Int’l group nanawagan kay Marcos, fish importation itigil

Int’l group nanawagan kay Marcos, fish importation itigil

September 23, 2022 @ 6:56 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang international advocacy group kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tigilan na muna ang pag-aangkat ng mga isda.

Sa halip na fish importation, “inclusive at science based” na fishery programs umano ang dapat na gawin na makatutulong sa mga lokal na mangingisda.

β€œIn consonance with his SONA on attaining national food sufficiency, particularly by increasing farm and fishery productivity, we are asking President Bongbong Marcos to stop fish importation; implement inclusive, science-based fisheries management plan, and prosecute commercial fishers encroaching in municipal waters,” ayon sa Oceana Philippines sa kanilang statement na inilabas nitong Huwebes, Setyembre 22.

Dagdag pa ni Gloria Estenzo Ramos, vice-president ng Oceana Philippines, dapat ay tutukan ng pamahalaan ang aquaculture at yamang dagat ng bansa na kainin ng mga Filipino.

β€œ[B]ut these continue to degrade because of lack of political will to fully and vigorously implement fishery laws, policies and regulations,” dagdag pa niya.

Maliban dito, nanawagan rin ang grupo na maging mahigpit rin ang pamahalaan sa pagbabantay upang maiwasan ang iligal na pangingisda ng mga commercial fishers sa mga dagat sa bansa. RNT/JGC