Rider tepok sa truck

August 18, 2022 @3:07 PM
Views:
0
BACOLOD CITY – Tepok ang isang rider makaraan sumalpok ito sa kasunod na truck na huminto sa unahan dahil sa ‘stop light’ noong Martes, Agosto 16 sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktimang si Jundie Doroteo, 28, ng Barangay Campo Santiago, Sagay City, Negros Occidental habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng Fuso truck na kinilalang si Kensley Rojonan, 22, ng Villa Lucasan Subdivision, Barangay Mandalagan.
Batay sa report ng Police Station 3, dakong 9:20 PM naganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Lacson Street at Barangay Mandalagan in Bacolod City.
Ayon kay Captain Armilyn Vargas, commander ng Police Station 3, minamaneho ni Doroteo ang kanyang Kawasaki motorcycle patungong Timog ng sumalpok siya likurang bahagi ng truck na minamaneho naman ni Rojonan.
Sa lakas ng pagkakasalpok tumilapon ang biktima sa kanyang motorsiklo at tumama ang ulo sa sementadong kalsada na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Kusa naman sumuko sa pulisya si Rojonan para sa imbestigasyon ng pulisya.
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naka-light na ang ‘stop light’ sa unahan kaya huminto sa Rojonan subalit mabilis pa rin ang takbo ng motorsiklo ni Doroteo dahilan para bumangga ito sa likod ng truck. Mary Anne Sapico
Ejercito humirit ng trial period sa implementasyon ng NCAP hanggang katapusan ng 2022

August 18, 2022 @2:58 PM
Views:
2
MANILA, Philippines – Humirit ng trial period sa implementasyon ng no contact apprehension program (NCAP) hanggang katapusan ng taon si Senador Joseph Victor “JV” Ejercito.
Ito ay upang plantsahin muna umano ang mga gusot at problema sa pagpapatupad ng naturang programa.
Paglilinaw ni Ejercito, chairman ng Senate committee on local government, hindi naman umano siya tutol sa NCAP ngunit naniniwala siyang kailangan munang maisaayos pa ang mga butas bago ito tuluyang ipatupad.
“Being a former mayor, I do understand also that they want to improve everything in their city to have an order… but I’m hoping that there will be a compromise,” paliwanag ni Ejercito sa panayam ng ANC.
“Ako naman, if you can resolve everything, you don’t have to take it to court. Probably, the transport groups, the LGUs, through the MMDA can probably discuss about this and have a compromise that probably to have a moratorium first,” dagdag pa niya.
Umaasa naman ang Senador na mapagbibigyan ang hiling nitong trial period sa implementasyon ng NCAP hanggang sa katapusan ng 2022.
Matatandaan na nauna nang pinagtibay ng mga alkalde ng Metro Manila ang kanilang desisyon na ipagpatuloy ang implementasyon ng no contact apprehension program. RNT
SoKor humiling ng dayalogo sa NoKor

August 18, 2022 @2:45 PM
Views:
18
SEOUL, South Korea – Humiling ng maayos na dayalogo ang South Korea sa North Korea.
Ito ay ilang sandali lamang makaraang magpakawala ng dalawang cruise missile ang North Korea.
Ayon kay South Korean President Yoon Suk-yeol nitong Miyekules, Agosto 17, ang planong pakikipag-usap ng bansa sa North Korea ay hindi dapat para sa isang political show kundi sa hangarin na magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa.
“Any dialogue between the leaders of the South and North, or negotiations between working-level officials, should not be a political show, but should contribute to establishing substantive peace on the Korean peninsula and in Northeast Asia,” ani Yoon.
Dagdag pa nito, idiniin rin ng Pangulo na handa umano itong magbigay ng phased economic aid sa katabing bansa kung ihihinto na nito ang paggawa ng mga nuclear weapons.
Kung babalikan, tila naging pasaring ang sinabi ni Yoon sa mga naunang dayalogo ng bansa sa nakaraang administrasyon kasabay ni North Korean leader Kim Jong Un at dating US President Donald Trump. RNT
Surge sa COVID sa NCR ‘di pa tapos – OCTA

August 18, 2022 @2:30 PM
Views:
13
MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagbaba o downward trend ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region, hindi umano ito nangangahulugan na tapos na ang surge.
Ito ang paglilinaw ng independent pandemic monitor na OCTA Research sa kanilang statement ngayong araw, Agosto 18.
Ayon kay OCTA research fellow Guido David, nasa downward trend na ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa growth rate nitong -9%, reproduction number na 1.03 at 7-day positivity rate na 15.7%.
Ang ADAR naman o average daily attack rate ay nasa 8.14 samantala ang healthcare utilization rate ay nasa 37%.
Dagdag ni David, kung mananatili sa downward trend ay posibleng mas mababa na sa 500 kaso ng COVID-19 kada araw ang maitatala hanggang sa katapusan ng buwan o unang linggo ng Setyembre.
Sa kabila nito, nagsisimula lamang bumaba ang mga bagong kaso ng sakit ngunit hindi pa maaaring sabihin na tapos na umano ang surge sa Metro Manila. RNT
Dinukot na delivery rider sa Batangas bangkay nang natagpuan sa Quezon

August 18, 2022 @2:16 PM
Views:
32