Intramuros chapel binuksan sa magbibigay-pugay kay Benedict XVI

Intramuros chapel binuksan sa magbibigay-pugay kay Benedict XVI

January 3, 2023 @ 7:13 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Binuksan na ang Minor Basilica of the Immaculate Concepcion ang Christ the King Chapel sa Intramuros  para sa mga Katolikong mananampalataya  na nais magbigay-pugay, mag-alay ng panalangin at magsindi ng kandila para sa yumaong si Pope Emeritus Benedict XVI.

“The Christ the King Chapel inside the Manila Cathedral is now open for the faithful, who may want to offer prayers, light candles, and write in the book of condolences for our dearly departed Pope Emeritus Benedict XVI,” saad sa social media post.

Sabado nang buksan ni Cardinal Jose Advincula ang kapliya , ilang oras matapos ipahayag ng Vatican ang pagpanaw ng dating papa sa edad na 95.

Nagsimula noong Lunes ang public viewing para sa yumaong dating pontiff sa St. Peter’s Basilica.

Gaganapin ang misa ng libing sa St. Peter’s Square sa Huwebes na susundan ng kanyang paglilibing sa crypt sa ilalim ng Basilica. Jocelyn Tabangcura-Domenden