Intramuros schools, online class muna mula Hunyo 27-29

Intramuros schools, online class muna mula Hunyo 27-29

June 27, 2022 @ 9:17 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Wala munang “face to face classes” at “on-site o physical transactions” mula June 27 hanggang 29  ang ilang mga pamantasan sa Intramuros, Maynila.

Sa inilabas na abiso, ito ay  dahil sa pansamantalang pagsasara ng ilang mga kalsada bunsod sa ginagawang  paghahanda para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Huwebes, Hunyo 30.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ay ang mga sumusunod:

– Colegio de San Juan de Letran

– Lyceum of the Philippines

– Mapua University

– Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

Ang mga klase sa nasabing mga araw ay gagawin muna “online” upang hindi mahirapan ang mga estudyante, mga guro at school employees sa posibleng abala na maidudulot ng road closures.

Para naman sa mga  guro at school personnel ay paiiralin ang “work-from-home set-up”, habang bukas para sa “online transactions” ang kani-kanilang virtual offices.

Para sa kumpleto detalye, maaaring bisitahin ang opisyal na social media accounts ng mga nabanggit na pamantasan.

Wala namang pasok  sa June 30  sa lahat ng mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa buong Maynila dahil deklaradong “special non-working holiday” para bigyang-daan ang panunumpa ni Marcos bilang ika-labing pitong pangulo ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden