Intsik tiklo sa hinihinalang human trafficking case sa Pampanga

Intsik tiklo sa hinihinalang human trafficking case sa Pampanga

March 3, 2023 @ 2:18 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang Chinese national kasabay ng pagsagip sa dalawang menor-de-edad na babae kasabay ng operasyon ng pulisya sa City of San Fernando, Pampanga.

Sa ulat, kinilala ni Brigadier General Jose Hidalgo Jr., Police Regional Office 3 director, ang suspek na si Chaoping Tong, 60-anyos, at residente ng Northville, Calulut ng nasabing lungsod.

Ani Hidalgo, matagumpay na nasagip ng pulisya ang mga babae na ang isa ay kinilalang si “Shine.”

Ang operasyon ay ikinasa ng magkatuwang na pwersa ng regional police, city police at city social welfare and development office.

Dinala naman sa Camp Julian Olivas sa San Fernando, Pampanga ang mga nasagip na biktima.

Mahaharap naman ang suspek sa reklamong paglabag sa batas na pumuprotekta sa mga kababaihan laban sa pisikal at sekswal na pang-aabuso.

“We are committed to doing everything in our authority to combat the insidious crimes of human trafficking that devastate the lives of innocent victims especially the vulnerable sector,” ani Hidalgo. RNT/JGC