Inutusang mamitas ng Kaimito, nagbigti

Inutusang mamitas ng Kaimito, nagbigti

April 4, 2021 @ 12:51 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

BULACAN, Philippines – Dahil sa kalungkutang nararamdaman at takot na makulong, winakasan ng isang 48-anyos na binata ang kanyang buhay matapos magbigti sa kisame ng kusina nito sa Balagtas ng probinsyang ito.

Itinago lamang sa pangalang “Pepe,” isang laborer.

Sa report ng pulisya, nangyari ang pagpapatiwakal bandang 3:00 p.m., Marso 30 sa naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nagpapalipad ng saranggola bandang 2:00 p.m. ang biktima kasama ang anak-anakang 9 na taong gulang.

Nabatid na naglambing at inutusan ng anak-anakan ang biktima na pumitas ng Kaimito sa kalapit na puno nito.

Nalamang pumayag naman ang biktima na nagsabing maunang pumunta ang batang kalaro sa naturang puno at susunod na lamang siya.

Subalit umuwi pala si Pepe hanggang hindi na pumunta sa kanilang napag-usapan kaya nagpasya ang bata na sundan sa kanyang bahay.

Nagulat ang bata nang bumulaga ang kanyang nakatatandang kalaro na nakabigti sa pamamagitan ng nylon sa kisame ng kusina nito.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang bata sa mga kapitbahay.

Sa pahayag ng kapatid nitong si Celso sa pulisya, ang kanyang kapatid ay nababahala sa kanyang kinahaharap na kasong kriminal na posible niyang ikakulong.

Base pa rin sa imbestigasyon, walang palatandaan na may pang-aabuso sa katawan ng biktima bukod sa marka sa leeg sa kanyang pagkakabigti.  Dick Mirasol III


  •  
  •  
  •