Investment deal ng ABS-CBN, TV5 iho-hold muna

Investment deal ng ABS-CBN, TV5 iho-hold muna

August 24, 2022 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagdesisyon ang ABS-CBN Corp at TV 5 na pansamantalang hindi muna ituloy ang kanilang nauna nang planong investment deal.

Ang desisyon ng dalawang broadcast network ay kasunud na rin ng pagkuwestiyon ng ilang mambabatas at ng National Telecommunications Commission(NTC) sa nasabing deal.

Matatandaan na una nang pumasok ang ABS-CBN sa 35 percent acquisition sa TV5 kung saan bibili ito ng 6,459,393 primary common shares ng TV5 o nasa 34.99 percent total voting at outstanding capital stock sa halagang P2.16 billion.

“To address the issues which have been raised by certain legislators and the National Telecommunications Commission on the proposed investment by ABS-CBN for a minority interest in TV5, ABS-CBN and TV5 have agreed to a pause in their closing preparations,”nakasaad sa statement ng ABS-CBN.

Sinabi ng ABS-CBN na ang kanilang desisyon na ihold muna ang investment ay upang mabigyang linaw ang mga isyu lalo at may ilang kumukuwestiyon dito.

Ang desisyon ng dalawang network ay sa harap na rin ng isinasagawang pagdinig ng House Committee on Trade and Industry at House Committee on Legislative Franchises ukol sa naturang invesment deal.

Samantala sa isang liham kay House Speaker Martin Romualdez sinabi ni Albay Rep Edcel Lagman na walang kinalaman ang mga kongresista sa naturang investment deal.

“The House hearing into the ABS-CBN and TV5 deal may result in the derogation of press freedom and free speech.There is absolutely nothing wrong with that arrangement. What is definitely errant is when authorities trample on the freedom of expression and of the press,” nakasaad sa liham ni Lagman kay Romualdez. Gail Mendoza