Investment pledges sa Indonesia trip ni PBBM, umabot sa $7B

Investment pledges sa Indonesia trip ni PBBM, umabot sa $7B

September 7, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa pagtatapos ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Indonesia ay bitbit  nito ang  $7 billion investment pledges mula sa mga negosyante at investors ng nasabing bansa.

Sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang commitment ay nangyari sa isinagawang Jakarta Business Roundtable Meeting, araw ng Lunes.

Kabilang sa  $7 billion na investments sa imprastraktura para sa  unsolicited private-public partnerships ay ang  C-5 four-level elevated expressway,  $822 million na investments sa “textiles, garments, renewable energy, satellite gateway, wire global technology, at agricultural food.”

Mayroon ding $662-million trade value para sa suplay ng uling at fertilizer.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos ang posibilidad na mag-supply ng urea fertilizer at uling sa Pilipinas ang Indonesia.

Binanggit kasi ni Pangulong Marcos ang agriculture at energy sector concerns  sa kanyang  Indonesian counterpart,  President Joko Widodo.

Ayon sa OPS,  ang  business deals sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia ay maaaring makalikha ng  7,000 bagong oportunidad sa hanapbuhay.

Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanyang three-day state visit ay naging “more productive than we had expected.”

Ito’y dahil sa matagumpay na tinintahan ng dalawang bansa ang  “ekonomiya, kultura at tanggulang kasunduan” at maging ang plan of action para sa bilateral relations sa susunodn na limang taon.

Kasalukuyan namang nasa Singapore si Pangulong Marcos, umaasa na makakakuha at makakapag-uwi rin ng  investment deals para sa Pilipinas. Kris Jose