Investment scam na ginagamitan ng sisiw, bistado na

Investment scam na ginagamitan ng sisiw, bistado na

October 30, 2019 @ 8:58 AM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philipiines – Dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa 39 investors ng ADA Farm Agriventure para magsampa ng reklamo.

Ayon sa kanilang reklamo, nag-invest sila ng tig-P50 kada sisiw sa ADA Farm dahil sa pangakong kita ng P40 sa bawat sisiw sa loob lang ng dalawang buwan.

Saad pa nila, may mga props pa umano itong mga permit.

Samantala, lumalabas sa imbestigasyon ng NBI, isa umano itong investment scam at wala rin nakarehistrong poultry farm na ADA farm sa Bulacan.

Pahayag ni Atty. Cesar Bacani, Regional Director, NBI-NCR, nagbibigay umano ang grupo ng tseke sa mga investor na mistulang garantiya kapag hindi nila naibigay ang napagkasunduang kita ngunit oras na dinala na sa bangko ang tseke, tatalbog na ito.

Sa website ng Securities and Exchange Commission, naglabas sila ng babala laban sa pag-i-invest sa ADA dahil hindi raw ito awtorisadong tumanggap ng investment.

Pinaalalahanan naman ng NBI ang publiko na huwag basta magpapakawala ng pera sa pinapasok na negosyo hanggat hindi nakatitiyak na tunay o lehitimo ang mga ito. Remate News Team|FGDC


  •  
  •  
  •