Investors sa Clark kumpyansang babangon ang ekonomiya kahit may pandemya

Investors sa Clark kumpyansang babangon ang ekonomiya kahit may pandemya

January 17, 2022 @ 11:16 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Kumpyansa ang mga investors sa Clark Pampanga na magtutuluy-tuloy ang pagsikad ng ekonomiya sa kabila ng pandemyang hatid ng COVID 19.

Sa isinagawang launching ng Green Garden/Golden World Development Corporation kamakalawa sa Clark Pampanga, sinabi ni Golden World Development Corporation Director at Corporate Secretary Eduardo Pinlac Jr., na sa kasalukuyan ay mayroong 300 manggawa sa kanilang construction operation at inaasahang makapag-eempleyo ng hanggang 500 katao sa sandaling matapos ang first phase ng construction ng limang 15-storey buildings na aabot ang halaga sa P1.7 bilyon.

“Basically it’s an opportunity for us, habang ganito ang sitwasyon, we will build so that pagnag-open na tayo ay ready na tayo..and at the same time isang paraan namin makatulong sa ekonomiya natin, trabaho basically our commitment is 500 workers cummulative sa construction only matulungan natin,” sabi ni Corporate Sec. Pinlac Jr.

Sinabi pa ni Director Pinlac Jr. sa REMATE na bago nila naconceptualize itong project construction ay inalam nila ang allowable height available para sa kanilang sampung gusaling itatayo sa halos 3 hektaryang parsela ng lupa sa loob ng tatlong taon.

“15 storey buildings ang ideal na taas dahil malapit sa airport na maraming eroplanong lumilipad, at ito ang leverage namin dahil kami ang pinakamalapit sa airport , nasa 5 minutes lang”, sabi pa ni Director Pinlac.

Sinabi naman ni Job Canlas, Sales Head, na advantage nila sa ibang hotels ay dahil nasa pre selling stage sila sa loob ng 30 buwan kaya zero interes rate sila.

“For this residential projects, Filipinos and foreigners can own. Kaya even young professionals can invest ( kaya bumili) “, sabi ni G. Canlas sa panayam ng REMATE.

Sinabi rin ni Canlas na bukas sila sa travel portal o ang BNB pero bahala ang property management na mag issue ng guidelines .

Pero sa ngayon, ang nakalinya sa plano nila ayon kay Canlas ay ang pagiging operational ng residential at commercial ng hotel component, kasama na ang entertainment, sports facilities at hotel and casino.

Sa naturang paglulunsad ay dumalo rin sina Golden World President Oscar Maglalang Jr. na nagbigay ng opening remarks; CDC President Ret. PBGen Manuel R. Gaerlan, at Filipino Chinese Federation of All Circles Chairman /General Manager Mr. Hanci Yang. (Dave Baluyot)