Ipagtanggol: WPS, pagmamay-ari ng bansa at susunod na henerasyon- Carpio

Ipagtanggol: WPS, pagmamay-ari ng bansa at susunod na henerasyon- Carpio

June 20, 2019 @ 4:45 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Kailangang ipagtanggol ng mga kabataan ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea kasama ang Recto Bank.

Ito ang hamon ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa mga kabataan kasabay ng oath of office ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago sa Supreme Court, kamakalawa ng hapon.

Paliwanag ni Carpio, ang West Philippine Sea ay pagmamay-ari ng bansa at ng susunod na henerasyon kabilang na ng mga kabataan kaya’t kailangang maging pundasyon ang mga ito para mapangalagaan ang mga teritoryo sa West Philippine Sea maging ang mga likas na yaman nito.

Inilabas ni Carpio ang paalala sa gitna ng kontrobersya sa Recto Bank na pagbangga ng isang Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Filipino pagkatapos ay inabandona ang 22 mangingisdang Pinoy.

 “My generation laid the foundation by winning the arbitral ruling. The West Philippine Sea belongs to the Philippines and the next generation, including your generation, must build on these foundations so that our exclusive economic zone in the West Philippine Sea will belong truly to the Filipinos and all the resources there, the fish, oil and gas resources will be enjoyed exclusively by Filipino citizens, including Reed Bank because that’s part of our EEZ,” wika ni Carpio. Beth Dominguez