Ipe, dedma sa kaarawan ni Josh?

Ipe, dedma sa kaarawan ni Josh?

June 5, 2021 @ 11:46 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Tamang throwback ang trip ni Kris Aquino sa ika-26 na kaarawan ng kanyang anak nitong June 4, Biyernes na si Joshua (or Josh), her only child by Philip Salvador.

Sa halip na magkaroon ng malaking selebrasyn, minabuti ni Josh na mamahagi ng ayuda sa tinatayang 800 pamilya ng Barangay Central sa Tarlac kung saan siya naka-base. Partikular na naninirahan si Josh sa Alto Compound sa bahay ng kanyang nasirang lola na si dating angulong Cory Aquino.

Makikita sa video na isinasakay sa truck ang mga ayuda.

Pagbabalik-tanaw ni Kris, isinilang si Josh noong June 4, 1995 noong panahong hindi pa raw siya handa maging isang ganap na ina. Ever since ay hindi niya ikinaila na nasa “autism spectrum” ang anak na madalas ma-bully kapag pulitika na ang pinag-uusapan.

Pero bilib daw siya sa “pureness of heart” ni Joshua na pagmamahal ang isinusukli sa mga panlilibak na dinanas nito.

Obyus na tanggap na ni Kris na sa Tarlac mas nag-e-enjoy manatili ang anak. Aniya, “Buti pa ang Tarlac at si Kuya, may forever.”

Samantala, hindi malinaw kung binati si Josh ng happy birthday ng amang si Philip o nagpadala ito ng regalo. Ronnie Carrasco III