iPhone passcode, kayang i-hack ng isang security researcher

iPhone passcode, kayang i-hack ng isang security researcher

June 24, 2018 @ 1:43 PM 4 years ago


Natuklasan ng isang researcher ang paraan kung paano i-hack ang isang updated na iPhone gamit ang pag-e-enter ng napakadaming passcodes.

Si Matthew Hickey, co-founder ng cybersecurity firm Hacker House, ang nakatuklas na kapag kinonekta ang iPhone sa computer, mauutakan ng mga hacker ang wipe feature ng iphone para ‘wag mag-activate, ayon sa report.

Ang iphone ay mayroong a “secure enclave” na kung saan bibilangin nito ang dami ng maling passcodes na nai-enter at kapag naabot na ang maximum tries, buburahin nito ang lahat ng laman nito bilang pagprotekta sa nagmamay-ari ito.

Ayon kay Hickey, kapag ang isang iphone ay naikonekta sa computer, natri-trigger daw nito ang interrupt request function kung saan mas bibigyan nito ng pansin ang aksiyon na manggagaling sa connection kaysa sa iba pang nangyayari sa device.

Matapos nito, nag-send si Hickey ng napakaraming posibleng passcode na may numero mula 0000 hanggang 9999 ng walang spaces. Ayon sa kaniya, ang kakulangan sa space ang pumupigil sa system para magpahinga at hinahayaan nito ang lahat ng try na maprocess. Inupload ni Hickey sa Vimeo ang isang video upang i-demonstrate ang kaniyang nadiskubre.

Samantala, ang nakikita namang kahinaan ng prosesong ito ay kung gaano kabilis ito maisasagawa.

Ang bawat passcode ay naproproseso mula tatlo hanggang limang segundo. Ibig sabihin, ang six-digit passcode para sa iOs 11 ay tatagal ng isang linggo para lang mabuksan o ma-crack.

Samantala, ang ganitong pangyayari naman ay maaaring magpababa ng tiwala ng mga tao sa iPhone kapag lumabas na ang iOs 12 kung saan kabilang sa features nito ang tinatawag na USB Restricted Mode kung saan nililimitahan nito ang paggamit ng mga cables sa pagre-recharge. (Remate News Team)