IPs sa Davao napalaya ng Army; rebel officials nagsisuko

IPs sa Davao napalaya ng Army; rebel officials nagsisuko

January 18, 2022 @ 11:24 AM 7 months ago


Manila, Philippines-Napalaya ng Philippine Army sa Eastern Mindanao ang mga Indigenous People sa kuko ng mga teroristang-komunista sa pagkakadurog ng Sub-Regional Committee 5 ng Communists Party of the Philippines, New People’s Army, Natxrional Democratic Front at prinisenta kahapon ang matataas nitong opisyal na nagsisuko upang magbalik-loob sa pamahalaan.

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) pinangalanan ni Lt.Gen.Greg Almerol,  Commander, ng Eastern Mindanao Command, ang mga nagsisukong rebelde bilang sina Ida Marie Montero alias Mandy, Secretary at Finance Officer ng NPA SRC5 ng CPP-NPA-NDF Southern Mindanao Regional Committee (SMRC); Renato Lubguban alias Jose, Deputy Secretary; Lutenant Apoga alias Macky, Commanding Officer, Sub-Regional Guerilla Unit (SRGU), SRC5; Lito Taluwa alias Lito, Acting CO, SRGU, SRC5 at Enrico Caramat alias Marco, Political Instructor, isang student leader sa Manila na matagal nang hinahanap ng kanyang mga magulang.

Sinabi ni Almerol, na ang buong liderato ng SRC5, SMRC, at  SRGU nito ay nagsisuko sa 1003rd Infantry Brigade na pinamumunuan ni Colonel Consolito P. Yecla noong January 10, 13 at 16, 2022, sa Sitio Minalong, Brgy Kahusayan, Kitaotao, Bukidnon at Sitio Sambulungan, Brgy Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte.

 

Dagdag pa ni Almerol ang pagkakabuwag ng buong SMRC ay nalalapit na rin dahil dalawang guerilla fronts na GF2 at GF3 na lamang ang natitira sa kanilang hanay na nagtatago sa malaking ancestral domain ng mga IP sa Davao del Norte hanggang sa Bukidnon at buong Davao Region.

Nang matanong ng media ang mga dating opisyal ng mga rebelde, sinabi ni Montero a.k.a. Mandy na kaya sila sumuko ay dahil Wala na silang “mass-based” at ‘di na sinusuportahan ng IP communities. Ito’y dahil na rin sa bumubuhos na mga proyektong galing sa pamahalaan bunga ng ipanag-nautos na “whole-of-nation approach” ni Pangulong Duterte nang itatag niya ang NTF-ELCAC.

“Game over na kami, sir.” ang pahayag ni Montero matapos ikwento ang halos anim ba buwan bilang pagtago-tago sa mga military operations bunga na rin ng mga pagsusuplong ng mga IP tipster sa kanilang mga pinagtataguan.

“I had this feeling of relief. Tama ang desisyon ko to turn myself to the goverment. Malaki ang utang na loob ko sa military at goverment for giving me second chance to live,” ang sagot naman ni  Caramat.

Maligaya daw siya nang makita ang kanyang mga magulang at umaasang makapamuhay na muli silang magpapamilya.

Inamin ni Curamat na bilang isang estudyante ay naengganyo siya sa mga turo ng komunista at mula noon ay sumali na sa underground movement, “but overtime mawawala, nakita ko ang sincerity (of the goverment ).”

“Walang sense ang humawak ng baril para sa pagbabago,” ang kanyang iniwang mensahe para sa mga kabataan sa ngayon.

Samantala, pinapurihan ni Maj. Gen Ernesto C Torres Jr, Commander ng 10 Infantry Division, ang tagumpay ng brigada ng Army bilang  “closing out chapter in our AOR (area of responsibility).”

“Indeed, our efforts against the CPP-NPA in Southern Mindanao is on the endgame. Cadres after cadres have been neutralized, guerilla fronts after guerilla fronts have been dismantled. It’s time to end this insurgency. Not tomorrow, but today. Again, I am calling the remaining deceived members of the Communist Terrorist Group to lay down your arms, return to the folds of the law and live a peaceful life ahead,” ani Torres.

Tiwala ang military official na ang mga natitirang teroristang-komunista ay babagsak na rin sa kamay ng military at bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte isa na lang bangungot na maituturing ang paghahari-harian ng mga CPP-NPA-NDF. RNT