Iran nais ilaglag ng US sa UN women’s body

Iran nais ilaglag ng US sa UN women’s body

November 3, 2022 @ 9:48 AM 3 weeks ago


UNITED NATIONS- Susubukan ng Estado Unidos na alisin ang Iran mula sa 45-member UN Commission on the Status of Women dahil sa pagkakait ng pamahalaan sa karapatan ng mga kababaihan at brutal na pagtugon sa mga protesta, ayon kay US Vice President Kamala Harris nitong Miyerkules.

Kasisimula pa lamang ng Iran ng four-year term sa komisyon, na taon-taong nagpupulong kada Marsp at layuning isulong ang gender equality at women empowerment.

Sa nakalipas na anim na linggo, batbat ng protesta sa Iran dahil pagkamatay noong Setyembre ni Mahsa Amini, na inaresto ng Tehran morality police.

Binalaan ng mga awtoridad ang mga raliyesta na itigil na ang demonstrasyon subalit  hindi ito nakitaan ng senyales ng pagkatinag, na isinasagawa sa residential areas, major avenues at mga unibersidad sa buong bansa. RNT/SA