Iregularidad sa P8.5B SEAG sports facilities project ng BCDA, nasilip ng COA

Iregularidad sa P8.5B SEAG sports facilities project ng BCDA, nasilip ng COA

October 17, 2020 @ 10:52 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nakasilip umano ng iregularidad ang Commission on Audit (COA) sa kontratang inaprubahan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) kaugnay sa P8.5B na sports facilities sa Clark City sa Tarlac na ginamit sa 2019 Southeast Asian Games, na umano’y hindi pabor sa gobyerno.

Sa 2019 report ng COA, nakitaan umano nila ng iregularidad ang proyekto dahil mas pinaboran umano ng BCDA ang isang private contractor.

“The Sports facilities was negotiated into an unsolicited proposal rather than going through competitive bidding,” ayon sa government auditors.

Noong 2017, pumasok ang BCDA sa joint venture agreement sa Malaysian firm MTD Capital Berhad para sa development ng National Government Administrative Center sa New Clark City.

Ito ang ang construction ng sports facilities para sa 2019 Southeast Asian Games, kasama ang athletic stadium, aquatic center at athlete’s village.

Sa ginawang sagot ng BCDA management sa COA, ipinunto nito na ang deal sa MDT Capital Merhad ang pinakamagandang opsyon sa project bukod pa na ang kanilang transakyon ay ginabayan ng kanilang transaction adviser na Asian Development Bank.

“BCDA trusts in ADB’s advice that the said mode is not only legal but is likewise the most advantageous arrangement for the government,” depensa ng BCDA.

Pero ayon sa audit team, matagal na umanong nakikipag-usap ang BCDA sa MDT Capital Merhad bago pa man nito inilabas ang imbitasyon para sa ibang interesadong bidders.

 “We believe the competitiveness was compromised because MTD had more time to study and even negotiate the specifics of the project with BCDA,” ayon sa COA.


  •  
  •  
  •  

Loading...