‘Ironclad’ commitment sa Pinas pinagtibay ng US sa gitna ng maritime dispute sa WPS

‘Ironclad’ commitment sa Pinas pinagtibay ng US sa gitna ng maritime dispute sa WPS

April 20, 2022 @ 7:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Muling pinagtibay ni United States Defense Secretary Lloyd Austin ang commitment ng Estados Unidos sa Philippine security nang makipagkita ito kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Pentagon, araw ng Martes (Manila time).

Sa isang kalatas, muling inulit ng U.S. Defense Department na ang commitment ng Amerika sa Philippine security ay ironclad, at ang mutual defense treaty commitments ng dalawang bansa ay extended sa Philippine armed forces, public vessels, at aircraft sa South China Sea.

Patuloy na nilalabanan ng Pilipinas ang Chinese incursions sa exclusive economic zone at continental shelf nito, sa kabila ng 2016 ruling ng United Nations-backed arbitration court na nagpapawalang-bisa sa expansive claims ng Beijing sa South China Sea.

“Austin and Lorenzana affirmed the vital importance of ensuring peace and stability in the South China Sea,” ayon sa US Defense Department.

Kapuwa naman sumang-ayon ang mga ito na patatagin at palakasin ang kanilang MDT commitments sa pamamagitan ng development ng “bilateral defense guidelines, enhance maritime cooperation, and improve interoperability and information sharing by exercising new capabilities.”

Gayundin, napag-usapan din ng mga ito ang “importance of acting in unison” na kondenahin ang Russian aggression at manatiling nasa tabi ng Ukraine. Kris Jose