IRR ng Migrant Workers Department, nirerepasong maiigi ng Malakanyang

IRR ng Migrant Workers Department, nirerepasong maiigi ng Malakanyang

April 12, 2022 @ 3:20 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nirerepasong mabuti ng Office of the Executive Secretary (OES) ang ipinatutupad na ‘rules and regulations’ (IRR) para sa Republic Act (RA) No. 1164 o mas kilala bilang Act Creating the Department of Migrant Workers (DMW).

Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na sabihin ng mga miyembro ng DMW transition committee na naisumite na nito sa Malakanyang ang draft ng IRR para sa DMW.

“Ito’y nire-review pa ng Office of the Executive Secretary,” ayon kay Andanar.

Ipinalabas ng DMW transition committee ang memorandum na may petsang Abril 4 kung saan hinihiling kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipawalang-bisa ang IRR na ipinalabas ni DMW Secretary Abdullah Mama-o.

“We respectfully advise His Excellency that this IRR is not the same IRR that was the product of the Transition Committee as a collegial body as mandated by RA 11641 and all the undersigned had no participation whatsoever in the crafting of the same. Neither have the undersigned approved nor signed the said IRR,” ayon sa grupo.

Ayon sa DMW transition committee, ang IRR na nilagdaan ni Mama-o sa sarili nitong aksyon ay “irregular” at hindi epektibong IRR sa ilalim ng probisyon ng batas.

“The IRR should not be allowed to be published to prevent any derogation of the spirit and intent of the law,” ang pahayag ng grupo.

Ang memorandum ay tinintahan ng kinatawan ng iba’t ibang member agencies sa pangunguna nina Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) chief Bernard Olalia.

Sa liham na may petsang April 5, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Mama-o na nagpapatuloy na gumagana ang POEA bilang independent agency sa kabila ng nilikhang DMW kahit hindi pa fully constituted ang huli.

“Considering that the DMW has not been constituted yet, it follows that the government entities or agencies enumerated in Section 19 of RA 11641 shall continue to exist separately and perform their respective mandates until DMW is constituted,” anito.

Sa ilalim ng RA 11641, kabilang sa mga responsibilidad ng transition committee ay ang pagbalangkas ng kinakailangang IRR ng departmento “within 60 days” matapos na maging epektibo ang batas.

Ang RA 11641, nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Disyembre 30, 2021, ang pinagbasehan para gawing DMW ang POEA, na may tungkulin na i-oversee ang lahat ng polisiya na nagpo-protekta sa kapakanan ng mga Filipino na nagta-trabaho sa ibang bansa.

Ang bagong departamento ay pinahusay ang koordinasyon sa hanay ng overseas Filipino workers (OFWs) at OFW affairs. Kris Jose