IRR ng sim card registration law pinapapaspasan ni Remulla

IRR ng sim card registration law pinapapaspasan ni Remulla

December 8, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dapat nang madaliin ang pagpapalabas ng Implementing Rules and Regulation hinggil sa pagpapatupad ng sim card registration law.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na malaki ang matutulong ng sim card registration law sa laban kontra online sexual abuse and child exploitation.

“There is the urgency of coming up with the IRR of the sim card registration kasi ang telco ang biggest tool sa exploitation ng mga bata,” ani Remulla.

Iginiit ni Remulla na kumita naman na ng malaki ang mga telecomnunication companies kung kaya dapat naman pangalagaan ang mga bata kontra sa exploitation.

Sa oras aniya na ganap na maipatupad ang sim card registration law ay mas magiging madali nang makilala kung sino ang nasa likod ng mga malalaswang gawain.

Nakipagpulong kanina ang kalihim kay UN Special Rapporteur on the sale and sexual exploitation of children Mama Fatima Singhateh.

Bukod sa pagmamadali sa pagbalangkas ng IRR, tiniyak ni Remulla kay Singhateh na ginagawa na pamahalaan ang lahat ng hakbang upang masugpo anv problema sa sexual exploitation sa mga bata.

Simula aniya ng maupo ang Marcos administration ay nagdeklara na ang kagawaran at ang Interior and Local Government ng giyera kontra sexual exploitation sa mga bata. Teresa Tavares