IRR sa scientific career system iwawasto ni PBBM

IRR sa scientific career system iwawasto ni PBBM

February 22, 2023 @ 5:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpalabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ng isang executive order  ngayong linggo na naglalayong baguhin at iwasto ang  implementing rules and regulations (IRR) ng scientific career system sa ilalim ng nagdaang presidential order.

Sa ipinalabas na Executive Order No. 17, “Revising the Implementing Rules and Regulations of the Scientific Career System Under Executive Order No. 901 (S.1983)”, sinabi ng Pangulo na may pangangailangan na i-update ang umiiral na implementing rules and regulations ng SCS  upang sa gayon ay  epektibong makatugon sa “to the evolving needs of the country’s science and technology human resources in government service.”

Sa ilalim ng kautusan ng Pangulo na may petsang Pebrero 20, ang  SCS  ay  magiging “system of recruitment, career progression, recognition and reward  ng mga scientists pagdating sa public service na naglalayong i-develop ang grupo ng  “highly qualified at productive scientific personnel.”

“The system will be characterized by entrance to and a career progression or advancement based on qualifications, merit and scientific productivity, career path to scientists, as well as incentives and rewards to ensure attraction and retention of highly qualified personnel in the science and technology sector,” ayon sa kautusan.

“It will apply to scientific personnel with master’s and doctorate degrees in sciences who are directly involved in research and development, covering biological sciences, engineering and technology, mathematical and physical sciences, health and agricultural sciences, as well as all scientific disciplines determined by the Scientific Career Council (SCC),” ang nakasaad pa rin sa kautusan.

Ang administration system ng SCS  ay kinabibilangan ng chairperson ng CSC  bilang  ex-officio chairperson, Kalihim ng  Department of Science and Technology (DOST) bilang  ex-officio co-chairperson, at iba pang ex-officio members.

Bubuo naman ang SCC ng Technical Working Group and Special Technical Committees (STCs) na magsisilbi bilang  advisory body at screening committee.

Ang STCs sa iba’t ibang larangan ng specializationay ay lilikhain sa kada technical committees na kinabibilangan ng limang miyembro na kinikilala ng mga awtoridad sa kani-kanilang larangan at magsisilbi ng dalawang taon.

Ang  appointments ng mga  scientists sa ilalim ng  SCS ay ibabatay sa rank, mula  Scientist 1 hanggang Scientist V, na matatanggap sa sistema na dapat lamang ay ma-meet  ng mga ito ang minimum qualifications.

Ang bayad sa mga ito ay ibabase sa compensation plan, kung saan  kabilang  dito ang fringe benefits at resonableng  allowances na maihahambing sa mga nasa  Career Executive Service (CES).

Ang kautusan ng Pangulo ay panawagan din para sa probisyon ng pagpapatuloy na training program para sa lahat ng  aktibong  scientists.

Ang  SCS secretariat ay popondohan ng  General Appropriations Act, habang ang mga scientists  mula sa national government agencies, state universities and colleges ay babayaran sa pamamagitan ng kani-kanilang appropriations.

Para sa mga scientists mula sa government-owned or controlled corporations (GOCCs), babayaran ang mga ito sa pamamagitan ng kani-kanilang corporate operating budgets, habang iyong mga mula naman sa local government units, ang kanilang sahod ay huhugutin mula sa kani-kanilang  local funds alinsunod sa  RA No. 7160 ng Local Government Code of 1991.  Kris Jose