IRR sa SIM Registration Act tatapusin ng NTC sa 60 araw

IRR sa SIM Registration Act tatapusin ng NTC sa 60 araw

October 11, 2022 @ 8:17 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni National Telecommunications Commission (NTC) na tatapusin nila ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng SIM Registration Act sa loob ng 60 araw.

“Within 60 days, ang NTC po ang siyang tatapos ng IRR, but kasama po namin ang maraming opisina ng gobyerno,” ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.

Ang paglikha ng IRR ay sasailalim sa kontrol at superbisyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT), subalit NTC ay makikipagtulungan sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at National Privacy Commission (NPC).

“This newly-signed law will help resolve the ongoing problem of rampant text scams and spams which have been troubling mobile users since January 2020,” ayon kay Cordoba.

Tiniyak naman ni Cordoba sa mga Filipino na “no privacy will be breached or abused under this new measure, reiterating that NTC will work with NPC to ensure that the public’s privacy will be protected.”

“Ibibigay niyo po ang inyong government-issued ID, pangalan, at tirahan, [pero] sisiguraduhin po natin na ang privacy ng ating mga subscribers ay hindi mapapakialamanan. ‘Yan po ang kabilin bilinan ng ating Pangulo – na siguraduhin na ang mga private data ay hindi makukuha ng masasamang loob,” wika pa nito.

Matatandaan nitong Lunes ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing batas.

Ang Republic Act No. 11934, o mas kilala bilang SIM Registration Act, naglalayong “make end users accountable for their usage of mobile communications by mandating SIM registration.” RNT