Irving lalaro vs Pacers

Irving lalaro vs Pacers

January 4, 2022 @ 1:06 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Umaasa si Brooklyn Nets coach Steve Nash, maging ang koponan na makapaglalaro na si Kyrie Irving ngayong Miyerkules sa Indianapolis, pero wala pang linaw kung mangyayari nga ito.

Hindi pa rin nagpapabakuna si Irving laban sa coronavirus, kung kaya naman hindi siya pinapayagang maglaro alinsunod sa mandato ng New York City vaccine. Unang tumanggi ang Nets na paglaruin si Irving sa road games bago pa man nagkaroon ng COVID-19 outbreak sa roster ng team.

Nang tanungin hinggil sa pagbabalik ni Irving, ayon kay Nash,  “how he feels and whether we determine it is safe for him to come back.”

Bukas naman ang pintuan ng Nets ayon kay general manager Sean Marks noong Dis. na ibalik muli si Irving bilang part time player. Nang mga panahon na iyon, 10 players ng Brooklyn ay nasa COVID-19 protocol.

Inaalala ng Nets kung ano ang kahihinatnan ng laban ng Nets sa paggamit ng dalawa nilang star players na sina Kevin Durant at James Harden.

Sa laban kontra Memphis, nagtala si Durant na average score na 37.1 minutes per game habang si Harden ay may 36.7 minutes.

Hawak ng Brooklyn ang second-best record sa  Eastern Conference.  JC