Irving nakita sa LA

Irving nakita sa LA

July 10, 2022 @ 2:35 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Los Angeles Lakers fans ang balitang nakita si Brooklyn Nets star Kyrie Irving sa Los Angelos kaugnay ng ulat na gusto nitong ma-trade sa ibang team.

Ayon kay LeBron James, nasa LA si Irving dahil sa isang reunion.

Nanalo ang dating Cleveland Cavaliers ng kauna-unahang kampeonato ng lungsod noong 2016.

Ilang oras na lang umano at aalis na sa Brooklyn ang 30-taong-gulang na all-star.

Marami ang umaasa na mapupunta ito sa Lakers, lalo na nakita itong pumunta sa isang laro sa LA Sparks.

Tuwang-tuwa ang mga fans na nakakita kay Irving, pero magiging realidad kaya ito?

Malalaman natin sa mga susunod na araw.JC