Irving tinanggal na bilang endorser ng Nike

Irving tinanggal na bilang endorser ng Nike

December 7, 2022 @ 2:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines Tinanggap na ng sports brand na Nike si Kyrie Irving bilang kanilang endorser matapos masangkot sa kontrobersiya ng anti-racism.

Sa statement ng kumpanya, sinabi nitong hindi nila kinokunsenti ang ginawa ni Irving kaya nagdesisyon silang tanggalin siya bilang endorser.

Matatandaang pinatawan ng suspension ng NBA si Irving kahit na ito ay humingi na paumanhin dahil sa ginawa nito.

Ayon sa Nike, taong 2011 ng kinuha nila si Irving bilang kanilang endorser kung saan inilabas niya ang signature na Kyrie 1 basketball shoe noong 2014 habang siya ay miyembro pa ng Cleveland Cavaliers noon.

Sa kanyang post sa social media, binalewala lang ng 30-anyos na si Irving ang nasabing usapin kung saan sinabi niya na walang presyong katapat ang pagiging malaya.JC