Isa, namamatay kada apat na segundo sa gutom – NGO

Isa, namamatay kada apat na segundo sa gutom – NGO

September 21, 2022 @ 12:21 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Isa ang namamatay sa gutom kada apat na segundo.

Ito ang ibinabala ng nasa 238 na mga grupo mula sa 75 bansa kabilang ang Oxfam, Save the Children at Plan International sa isang open letter na idinirekta nila sa mga world leaders kasabay ng United Nations General Assembly sa New York.

“A staggering 345 million people are now experiencing acute hunger, a number that has more than doubled since 2019,”pahayag ng mga NGOs sa naturang liham.

“Despite promises from world leaders to never allow famine again in the 21st century, famine is once more imminent in Somalia. Around the world, 50 million people are on the brink of starvation in 45 countries,” dagdag pa nila.

Ipinunto rin nila sa panawagan na mayroong nasa 19,700 katao ang tinatayang nasasawi dahil sa gutom araw-araw o kung bibilangin ay isa katao kada apat na segundo.

Dahil dito ay nanawagan ang mga ito na tutukan ng mga lider ng iba’t ibang bansa ang agarang food support sa mga pamilyang nangangailangan nito. RNT/JGC