Isa nanamang Pinoy inatake sa New York subway



Isa nanamang Pinoy inatake sa New York subway

June 10, 2021 @ 11:34 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Isa nanaman umanong hate crime ang nangyari sa Upper East Side subway station sa New York City laban sa isang Pinoy, ayon sa local news media.

Ayon sa ulat, pauli-ulit umano na sinuntok ang 52 anyos na biktima na hindi pa nakikilalang suspek.

Ang nangyaring pag-atake ay nag-ugat nang makita ng biktima na inatake rin ng suspek.

Dito sinigawan ang biktima ng suspek ng: “Go back to where you came from!”

Ang isa pang biktima ay posible ring Asian, ayon sa ulat ng ABC News.

Nang makatakas umano ang naunang biktima ay dito na pinagbalingan ang Pinoy.

“It seemed so random and so sudden,” ayon sa biktima. “Kinda realized it’s potentially a hate crime because of what the man was shouting and what was said.”

Kinondena naman ni Philippine Consul-General Elmer Cato sa isang social media post ang nasabing pag-atake.

Inaatas niya sa otoridad na agad resolbahin ito, at protektahan ang Asian Americans at Pacific Islanders community. RNT


  •  
  •  
  •