Isa nawawala sa banggaan ng 2 bangka

Isa nawawala sa banggaan ng 2 bangka

March 12, 2023 @ 12:04 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dalawang sasakyang pandagat ang iniulat na sangkot sa insidente sa karagatan ng Cebu City na naging dahilan sa pagkawala ng isang indibidwal, ayon sa Philippine Coast Guard.

Sinabi ni Ltjg. Stephen Pagcaliwagan, spokesperson ng Coast Guard District Central Visayas, na ang insidente ay kinasasangkutan cargo ship at tugboat at nangyari sa katubigan ng bayan ng Consolacion sa Cebu City.

“What we gathered from the crew involved is that the tugboat was conducting towing operations to the other vessel when the port bow allided with the towing tugboat,” sabi ni Pagcaliwagan.

Bunsod nito, lumubog ang tugboat at isa indibidwal ang nawawala matapos itong tumalon.

Agad namang nagsasagawa na ng search and rescue operation ang PCG.

Ayon kay Pagcaliwagan, agad itong nagpadala ng rigid hull boats kasama ang dalawang ship divers upang sabay na magsagawa ng surface at underwater search and rescue operations.

May dalang humigit-kumulang 60 litro ng diesel oil ang tugboat kaya sinusuri ngayon ng Marine Environmental Protection Unit ng coastguard ang lugar para sa anumang posibleng oil spill .

Agad namang naglatag ng oil spill boom ang mga tauhan ng MEPU nang may makitang kaunting langis .

Nakatakda na ring simulan ng PCG ang imbestigasyon sa insidente habang hinihintay din ang marine protest mula sa kapitan ng sangkot na barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden