‘Isa Pa With Feelings’ nina Maine Mendoza, Carlo Aquino mapanonood na sa Netflix

‘Isa Pa With Feelings’ nina Maine Mendoza, Carlo Aquino mapanonood na sa Netflix

November 19, 2020 @ 1:33 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipapalabas sa Netflix ang pelikula nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na ‘Isa Pa With Feelings’ sa araw ng Pasko.

Kinumpirma ito ng Black Sheep Productions sa isang tweet.

“It’s confirmed: Mara and Gali are coming to Netflix!”

Samantala, mali naman ang naging anunsyo ni Maine na sinabing mapapanuod na ito ngayong Huwebes.

“Sorry na, December 25 pala talaga. Stream #IsaPaWithFeelings on Christmas Day, ganern,” pagtama ni Maine sa isa pang tweet.

Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang may kapansanan sa pandinig na ginampanan ni Carlo habang sign language teacher naman si Maine.

Ito ay sa direksyon ni Prime Cruz na napanuod sa sinehan nitong 2019. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...