Isa pang biyahero galing US na ‘di nag-kwarantin natunton na ng PH gov’t

Isa pang biyahero galing US na ‘di nag-kwarantin natunton na ng PH gov’t

January 3, 2022 @ 4:20 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat nitong Lunes na natunton na ng gobyerno ang isa pang Pilipina galing Estados Unidos na diumano’y hindi rin nag-quarantine pagkarating sa Pilipinas.

“After this incident [Poblacion], somebody gave the name, even gave pictures [and] the day she arrived, nagpamasahe pa. As in she was even posting it on Instagram stories. Very proud na she was skipping quarantine,” pahayag ni Puyat sa CNN Philippines nitong Lunes.

Ayon pa kay Puyat, ang naturang quarantine violator ay dumiretso sa kanyang condominium unit sa halip na mag-check in sa hotel at sumailalim sa mandatory quarantine. 

“She didn’t even check [into] a hotel. She just said she checked in this hotel, but it showed na she didn’t even check in a hotel. Dumeretso sa condo niya,” sabi ng tourism chief. 

Dagdag ni Puyat, natunton na ang babae ay naipasa na ng tourism department ang kaso sa  karampatang ahensya ng gobyerno.

“And her name was given and the person who knows her even gave a sworn affidavit, nahuli na rin ‘yong taong ‘yon,” paglalahad ni Puyat. “I’ve given it already to the BOQ (Bureau of Quarantine) and the DILG (Department of the Interior and Local Government), and I will leave it up to them,” aniya pa.

Wala pang inilalabas na pahayag ang BOQ at interior department ukol dito. Samantala, ayon pa kay Puyat, natukoy na rin ng DOT ang dalawa sa tatlong hotels na umano’y lumabag sa quarantine rules. RNT/SA