Isa pang Fil-Am, interesado sa Gilas women’s team

Isa pang Fil-Am, interesado sa Gilas women’s team

September 17, 2020 @ 2:46 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Interesado umano ang isa pang Filipino-American player na pumasok sa Philippine women’s basketball program.

Ayon kay Vanessa De Jesus ng Duke University, willing siyang sumabak sa pambansang koponan para dalhin sa pandaigdigang torneo ang bandila ng Pilipinas.

Naniniwala si De Jesus, 18, na marami siyang maiaambag sa team.

Ang mga magulang ni De Jesus ay pawang mga Pinoy kung saan ipinanganak ito sa Estados Unidos at doon na naninirahan.

Ang dalagang point guard ay may ranggong 37th overall sa kanyang recruiting class, ayon sa ESPN.

Noon pang 2019 nakapasok sa Duke si De Jesus.

Naging bahagi rin si De Jesus ng Sierra Canyon School, ang paaralan kung saan nag-aaral ang anak na lalaki ni LeBron James.

Pero sinabi ni Gilas women’s head coach Pat Aquino na kung desidido talaga si De Jesus ay kailangang makakuha muna ito ng Philippine passport.

Kung papalarin, makakasabak siya sa panig ng bansa sa FIBA 3×3 events, gayundin sa Southeast Asian Games. Gilbert Perdez


  •  
  •  
  •  

Loading...