Isa pang hazing slay sa Cebu stude umalingasaw

Isa pang hazing slay sa Cebu stude umalingasaw

March 4, 2023 @ 8:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ng mga awtoridad ang imbestigasyon sa isa pang kaso ng pagkamatay ng isang binata dahil umano sa hazing sa Cebu, ayon sa Philippine National Police Regional Office 7 (PRO 7) noong Biyernes.

Ang pahayag ay kasunod ng pagbubunyag kamakailan ng Public Attorney’s Office (PAO) na isa na namang fraternity-related na insidente ang naganap sa lalawigan noong Disyembre ng nakaraang taon.

“Nakahanap na ng mga testigo ang mga imbestigador na, ayon dito, ay nakilala ang mga suspek at handang magsagawa ng mga affidavit,” anang PRO 7.

Idinagdag nito na magsasampa ng mga kaso laban sa mga salarin “anytime very soon.”

“[We] will thoroughly supervise the investigation to deliver justice and put [them] behind bars.”

Noong Huwebes, sinabi ni PAO chief Persida Acosta na ang Tau Gamma Phi, ang parehong fraternity na na-tag sa kontrobersyal na pagkamatay ng isang Adamson student, ay iniugnay sa isa pang fraternity-related death sa Cebu.

Sinabi niya na ang isang 20-taong-gulang na estudyante sa kinilalang si Ronnel M. Baguio ay nagdusa ng parehong kapalaran sa ilalim ng mga kamay ng mga miyembro ng fraternity.

Samantala, bunsod na rin ng pambubunyag ng PAO, iniatas na ni Justice Secretary Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang nasabing pagkamatay.

“Nakakuha po kami ng report and requests for investigation. Right away, the Secretary (of Justice) asked the NBI to conduct the investigation,” ang pagkumpirma ni Justice Assistant Secretary Jose Dominic Clavano.

Ang pagkamatay ng estudyante ng Adamson na si John Matthew Salilig ay muling nagbunsod ng panawagan para sa abolisyon ng mga fraternity, gayundin ang mas mahigpit na pagpapatupad ng anti-hazing law. RNT