Isa pang lumagda sa Sugar Order 4, nagbitiw sa pwesto

Isa pang lumagda sa Sugar Order 4, nagbitiw sa pwesto

August 15, 2022 @ 10:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isa pang opisyal ng Sugar Regulatory Board na pumirma sa kontrobersyal at pekeng Sugar Importation Order No. 4 ang nagbitiw sa kanyang pwesto, ayon sa anunsyo ngayong Lunes.

Kinumpirma ni Atty. Roland Beltran, miyembro ng Sugar Regulatory Board, sa GMA ang kanyang pagbibitiw sa pwesto.

Pero ang ibinigay niyang dahilan ay dahil sa kanyang kalusugan at hindi umano ito konektado sa Sugar order no. 4.

Sa kanyang liham na may petsang Agosto 14 na naka-address kay Executive Secretary Victor Rodriguez, sinabi ni Beltran na ang kanyang pagbibitiw ay “is without prejudice to any investigation that may be conducted in connection with the issuance of Sugar Order No. 4 s. 2022-2223.”

Matatandaang ginigisa ngayon ang Sugar Regulatory Administration (SRA) bunsod ng ipinalabas na Sugar Order 4, na pumapayag sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi naman ng Malakanyang na ito ay peke dahil hindi ito pinayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tumanggi ring payagan ang panukala.

Sinabi ni Beltran na ang kanyang boto ay “conditional subject to compliance of the provisions of laws, rules and regulations and the internal process of SRA.”

“The action is thus withdraw and negated due to non-compliance of the conditions set forth therein,” paliwana pa ni Beltran sa kanyang resignation letter.

Hindi pa naman mawari kung tinanggap ng Malakanyang ang pagbibitiw ni Beltran.

Si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, na isa sa lumagda sa Sugar Order, ay humingi ng tawad sa Pangulo at nauna nang nagbitiw sa pwesto. RNT