Isa pang molnupiravir brand binigyang EUA ng FDA

Isa pang molnupiravir brand binigyang EUA ng FDA

January 28, 2022 @ 7:25 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Binigyan ng Food and Drug Administration ng EUA ang isa pang molnupiravir brand.

Dahil dito, tatlo nang molnupiravir brand ang pinayagang magamit sa Pilipinas hanggang sa ngayon.

Ang German Quality Pharma ang nasabing magsusuplay ng Auxilto sa bansa, pero ang gamot ay hindi ibebenta sa merkado.

Noong Disueymbre 20 pa nag-aplay ng EUA sa bansa pero naaprubahan lang nitong Enero 24.

Sinabi naman ng FDA na ang nasabing kompanya ay magsusuplay lang ng gamot direkta sa Department of Health o sa National Task Force Against COVID-19.

“The COVID-19 drug molnupiravir shall be delivered to healthcare facilities and administered only by healthcare providers, and used only for COVID-19 according to the approved indication stated herein,” ayon pa sa FDA.

Nauna nang aprubahan ng drug regulator ng bansa ang emergency use ng Molnarz at Molnaflu. RNT