Isa pang opisyal ng pamahalaan, sisibakin sa pwesto ni Pangulong Digong

Isa pang opisyal ng pamahalaan, sisibakin sa pwesto ni Pangulong Digong

May 26, 2018 @ 9:32 AM 4 years ago


KAABANG-ABANG kung sino ang isa pang opisyal ng pamahalaan ang nakatakdang sibakin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa susunod na linggo.

Hindi man pinangalanan ng Pangulo kung sino ito ay tiniyak niyang hindi ito makakalusot na masibak sa puwesto.

Abangan aniya ang kanyang pagbabalik sa Malakanyang sa susunod na  linggo dahil kasalukuyab ng nasa Davao ang Chief Executive.

May kaugnayan aniya sa korapsyon ang rason ng gagawin niyang pagsibak sa opisyal na ito.

Sinabi ng Pangulong Duterte na hindi niya bibiguin ang sambayanan sa kanyang pagako laban sa katiwalian.

Inamin nito na marami siyang ginawang kalokohan sa kanyang buhay pero bago umano niya ipikit ang kanyang mga mata gagawin niya ang mga tamang bagay para sa bansa.

Samantala,  muling pinaalalahanan ng Punong Ehekutibo ang publiko  na walang maituturing na “First Family” sa bansa dahil pantay-pantay umano ang trato sa bawat isang Filipino.

(KRIS  JOSE)