Isa pang opisyal ng PhilHealth, nagbitiw

Isa pang opisyal ng PhilHealth, nagbitiw

October 18, 2020 @ 5:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isa pang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang nagbitiw sa gitna ng anomalya.

“As of late, ang una nating naipahayag ay 43 na…. Nadagdagan ‘yan ng isa pa na nag-file ng courtesy resignation. Lahat-lahat ‘yan ay 44 na,” saad ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña sa isang pahayag ng Dobol B.

Wala namang ibinigay na iba pang detalye si Baleña ukol sa nagbitiw na opisyal.

“May isang buwan si Atty. Gierran para aksyonan ang nasabing mga courtesy resignation,” aniya.

Dagdag pa nito na ang pagkakatalaga ni chief executive officer Atty. Dante A. Gierran ay nakadagdag sa moral ng hanay.

“Kamakailan nga, nagpatupad na siya ng rotation ng mga regional vice president, bahagi na ‘yan. Kamakailan ay in-order na rin niya ang mga regional vice president na i-profile ang lahat ng mga ospital, pasilidad at mga healthcare professional. Bahagi na ito, nagsisimula na itong mga anti-fraud measure na bahagi ng kanyang programa,” lahad nito.

Matatandaang naglabas ng memo si Gierran nitong Setyembre 30 upang pagbitiwin ang mga opisyal na sangkot sa anomalya.

Sa mga ito, 27 dito ang nagbitiw habang 16 ang nagretiro. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...