Isa pang Pinay biktima ginulpi sa NY

Isa pang Pinay biktima ginulpi sa NY

August 27, 2022 @ 4:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Isa na namang Pinay ang panibagong biktima ng isang pag-atake sa New York City nitong Miyerkoles, na isa sa panibagong kaso ng sinasabing hate crime.

Humingi naman ng tulong ang New York Police Department (NYPD)para matukoy ang suspek na isang babae —na nanakit sa isang 74-anyos na Pinay na naglalakad lamang sa harap ng 485 Madison Avenue sa Midtown Manhattan.

Ang suspek ay nakasuot ng puting damit na naglakad patakas na parang walang nangyari.

Nasa stable naman na kondisyon ang biktima na sinugod sa NYU Langone Hospital matapos ang pag-atake.

Matapos ang insidente, nag-abiso ang Philippine Consul General sa New York na nagbabala sa mga Pilipinong naninirahan o bumibisita sa New York City na manatiling mapagbantay pagkatapos ng insidente.

Pinayuhan nito ang mga Pilipino sa lugar na mag-ingat kapag naglalakad sa mga lansangan o sumasakay sa mga subway.

Ang sinumang may impormasyon sa insidente ay hinihiling na tawagan ang hotline ng paghinto ng krimen ng NYPD sa 1-800-577-tips (8477). RNT