Isa pang Pinay, nasa death row sa Indonesia

Isa pang Pinay, nasa death row sa Indonesia

October 10, 2018 @ 5:45 PM 4 years ago


 

Indonesia – Hindi pa man tapos ang kaso ni Mary Jane Veloso, isa pang Pinay ang nanganganib at nasa death row sa Indonesia dahil sa iligal na droga.

Sa press conference kanina, sinabi ni Philippine Ambassador to Indosia Leehiong Wee na may isang Pinay mula sa Semarang, Central Java ang nakakulong nang katulad din sa kaso ni Veloso.

Hindi naman pinangalanan ang Pinay pero tiniyak nitong ibibigay ng pamahalaan ang lahat ng kakailanganing asiste at tulong ng Pinay.

“I’m not really aware of the details. I just learned about it last week,” aniya.

Ayon kay Wee, nahuli rin ang naturang Pinay dahil sa pamumuslit umano ng heroin at sa ngayon ay nakakulong sa Yogyakarta prison.

Sa ngayon ay minomonitor na ng embahada ang kaso ng Pinay sa Semarang.

Samantala, pinakawalan na ng Indonesian government ang 28 sa 48 na mangingisda na nahuling iligal na pumapalaot sa water borders ng Pilipinas at Indonesya.

“They are part of the Filipino community here. All Filipinos need to be taken care of,” aniya.

Karamihan sa mga mangingisda ay mula sa Mindanao. (Remate News Team)