Isa sa most wanted person sa Laguna, bumulagta sa engkuwentro

Isa sa most wanted person sa Laguna, bumulagta sa engkuwentro

July 24, 2018 @ 1:28 PM 5 years ago


 

Laguna – Duguan at walang buhay na bumulagta ang isang matagal na umanong tinutugis ng mga awtoridad hinggil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga makaraang maka-engkuwentro ng mga tauhan ng Calamba City PNP  at Laguna PIB ng dakong alas- 10:30 kagabi (July 23, 2018) sa Barangay Palo Alto, Calamba City.

Ang suspek na nakilalang si Armando Moron y Capili alyas Mando, taga-Calamba City, na nahaharap sa kasong may kinalaman sa droga o Section 5 article II of RA 9165  (3 counts) na inisyu ni Hon. Judge Maria Florencia Formes-Baculo ng RTC Branch 34 Calamba City, Laguna.

Base sa report ng pulisya, tinangka nilang aresuhin ang susel subalit sa halip na sumuko ito ay nanlaban sa mga pulis na humantong sa engkuwentro.

Napag-alaman na ang suspek ay nasa number 7 Most Wanted Person in Manhunt Charlie at number 19 sa provincial Priority High Value Target.

Narekober sa suspek ang baril na ginamit at 2 pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. (Ellen Apostol)