Isa sa pinakamalaking solar power farms sa mundo, ibinida ng Singapore

Isa sa pinakamalaking solar power farms sa mundo, ibinida ng Singapore

July 15, 2021 @ 8:40 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Ibinida ng Singapore ang isa sa pinakamalaking floating solar power farms sa buong mundo.

May lawak ito na katumbas ng 45 football pitches, na binubuo ng 122,000 panels sa Tengeh Reservoir, na may kakayahang lumikha ng sapat na elektrisidad para mapatakbo ang limang water treatment plants.

Layon ng proyekto na maputol ang greenhouse gas emissions.

Ang Singapore ay kabilang sa pinakamalalaking per capita carbon dioxide emitters sa Asya at hamon sa bansa ang kakulangan sa lupa para mapalakas ang kanilang renewable energy sources.

Target din ng Singapore sa pagtatayo ng mga solar power plants na gawing apat na beses na mas mataas ang solar energy production pagsapit ng 2025.

Ang bagong solar power farm ay may kakayahang makalikha ng 60 megawatts na kuryente at makakabawas sa carbon dioxide na inilalabas ng 7,000 sasakyan sa mga kalsada.

“Solar energy is plentiful, clean and green, and is key to reducing PUB’s and also Singapore’s carbon footprint,” saad ni PUB chief executive Ng Joo Hee.

Nagtayo rin ang Singapore ng solar farm sa Johor Strait, na naghihiwalay sa isla mula sa Malaysia. RNT