Isa sa tatlong ekonomiya sa buong mundo lulugmok sa resesyon sa 2023-IMF

Isa sa tatlong ekonomiya sa buong mundo lulugmok sa resesyon sa 2023-IMF

January 3, 2023 @ 9:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang makararanas ng recession ngayong taon ang isang-katlo ng ekonomiya sa buong mundo, ayon sa managing director ng IMF.

“Even countries that are not in recession, it would feel like recession for hundreds of millions of people,” ani Kristalina Georgieva sa CBS news.

Dagdag pa ni Georgieva na mas magiging mahirap ang 2023 kaysa sa 2022 para sa karamihan ng ekonomiya ng mundo dahil bumagal ang ekonomiya ng US, EU, at China.

Bagama’t ang US ang pinakamatatag sa tatlong nabanggit, kapag  naiwasan nito ang recession ay matatawag na itong ‘mixed blessing’ dagdag pa ni Georgieva.

Dagdag pa niya na ang pinakasapul sa ngayon ay ang ekonomiya ng EU na nadamay sa Ukraine-Russia war.

Idinagdag niya na ang pananaw para sa mga umuusbong na merkado sa mga umuunlad na ekonomiya ay mas masama dahil sa pagtaas ng interes at malakas na dolyar ng US.

Para naman sa Tsina, maaaring lumawak o bumaba ang global growth rate nito sa unang pagkakataon matapos ang 40 taon kung saan nakaaapekto sa kanilang ekonomiya ang COVID-19 infections.

“That has never happened before. And looking into next year for three, four, five, six months, the relaxation of COVID restrictions will mean bush-fire COVID cases throughout China,” paliwanag pa niya. RNT