Isaac Go bumitiw sa Gilas

Isaac Go bumitiw sa Gilas

February 2, 2022 @ 2:44 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ni Isaac Go ang kanyang mga opsyon matapos piliin na hindi na muling pumirma sa Gilas Pilipinas.

Kinumpirma ng manager ni Go na si PJ Pilares ng Titan Management Group ang pag-alis sa Gilas at sinabing ang 6-foot-7 center mula sa Ateneo ay naghihintay sa susunod na kabanata ng kanyang karera.

Si Go ang ikatlong manlalaro mula sa espesyal na Gilas round ng 2019 class na nag-opt out sa national team pool program pagkatapos nina Rey Suerte at Allyn Bulanadi.

Dumating din ang kanyang desisyon ilang oras lamang matapos lumabas ang balita na si Tab Baldwin, ang coach ni Go sa Ateneo at Gilas, ay pinalitan ni Chot Reyes bilang national coach.

Si Go ay kinuha bilang No. 1 oveall ng Terrafirma sa special draft ngunit agad na inilipat sa national team sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng PBA at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Nag-average siya ng 3.7 points at 4.3 rebounds sa loob ng 12.7 minuto para sa Gilas sa Fiba Asia Cup qualifiers habang nagsisilbing silent leader ng young group sa loob at labas ng court.

Tulad nina Suerte at Bulanadi, maaari na ngayong makipag-usap si Go sa Dyip para maglaro sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup, o kahit na mag-survey kung ano ang ihaharap sa kanya ng overseas market.Rico Navarro