Isabela colleges na nagdaos ng face to face classes pinagpapaliwanag

Isabela colleges na nagdaos ng face to face classes pinagpapaliwanag

September 16, 2020 @ 1:20 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag na ng Commission on Higher Education (CHED) ang Isabela Colleges Incorporated makaraan ang pagsasagawa nito ng face-to-face class.

Sa ulat, napag-alaman ng CHED na may isang estudyante ng paaralan ang nagpositibo sa  coronavirus disease 2019 (COVID-19) nang dumalo sa isinagawang class orientation sa nasabing paaralan.

Lumabas din sa validation ng CHED na noong ika-29 ng Agosto ay nagdaraos na ang paaralan ng orientations.

Binigyan naman ng 10 araw ang Isabela Colleges batay sa   inisyung show-cause order ng CHED. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...