Isabela, may pinakamataas na rape cases sa region 2

Isabela, may pinakamataas na rape cases sa region 2

December 9, 2021 @ 9:25 AM 1 month ago


ISABELA-Posibleng dahilan ang pandemic na nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng panggagahasa o rape mula Enero hanggang Disyembre 2020 ang nasabing lalawigan.

Batay sa datos ng Police Regional Office 2 o PR02, mula sa kabuuang 389 rape cases, nakapagtala ng 163 na bilang ang Isabela; sinundan ng Nueva Vizcaya na may 104 habang 88 naman sa Cagayan, 21 ang naitala ng Quirino, Batanes na mayroon lamang isang kaso at Santiago City ay 12 kaso.

Sa 801 rape cases mula 2019-2020,pitumpu’t pitong (77%) porsyento ng mga naging biktima ay nasa 1 hanggang 17 taong gulang kung saan 95% (763) ng mga suspek ay nasa edad labing walong (18) taong gulang pataas.

Sa VAWC  ay mula sa kabuuang 868 na biktima mula 2019-2020, 96% ng mga naging biktima ay edad 18 pataas habang 99.5% ng mga suspek ay 18-anyos pataas.

Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na maiiging bantayan ang mga anak lalo pa’t malaking porsyento ng mga biktima ay menor de edad.

Samantala, kung kayat naisakatuparan ng pulisya ang proyekto na libreng pabahay para maihiwalay ang kuwarto ng mga kabataan. Rey Velasco