Isabela, niyanig ng Magnitude 4.0 na lindol

Isabela, niyanig ng Magnitude 4.0 na lindol

July 9, 2018 @ 5:01 PM 4 years ago


Isabela – Niyanig ng Magnitude 4.0 ang Isabela province gayundin ang iba pang kalapit na lugar.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol dakong alas-2:04 ng hapon na natunton sa layong 15 kilometro ng San Pablo, Isabela.

May lalim na 21 kilometro ang pagyanig na tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity IV sa San Pablo, Isabela at Enrile, Cagayan.

Intensity III naman sa Tuguegarao City; Peñablanca, Cagayan; Cabarroguis, Quirino; Echague at
Cabagan, Isabela habang
Intensity II sa Maconacon at Divilacan, Isabela; at
Intensity I sa Ilagan City at Tumauini, Isabela.

Batay naman sa instrumental intensities, naitala ang
Intensity III sa Peñablanca, Cagayan; at
Intensity I sa Santiago City, Isabela.

Hindi na inasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol. (Jeff Gallos)