Isabela PPO nakiisa sa Simultaneous Kick-off Ceremony ng 27th PCR Month Celebration

Isabela PPO nakiisa sa Simultaneous Kick-off Ceremony ng 27th PCR Month Celebration

July 5, 2022 @ 9:26 AM 1 month ago


CAMP LT. ROSAURO TODA JR., CITY OF ILAGAN- Bilang pagtugon sa direktiba ay aktibong nakiisa ang Isabela Police Provincial Office o IPPO sa pamumuno ni PCol. Julio R.Go, Acting Provincial Director sa Simultaneous Kick-off Ceremony ng 27th Police Community Relations Month Celebration na ginanap sa IPPO Grandstand, Brgy. Baligatan ng nasabing kampo.

Ang nasabing aktibidad ay kaalinsabay sa nakaugaliang Monday Flag Raising na pinangunahan ni PLtCol.Michael Aydoc, Chief, PCADU kasama ang iba pang Provincial Staff at NOSU, PCOs, at KKDAT Provincial Officers na sina Mr. Mark Niño Garan, Vice President for External Affairs and Mr. Adriel Hannz Ramiro, Vice President for Internal Affairs.

Ilan sa mga highlight ng programa ay ang awarding of certificates of commendations para sa mga karapat dapat na PCOs and PNCOs mula sa iba’t-ibang Police Stations at special awards at trophies para naman sa mga nagwagi sa isinagawang Isabela PPO Summer Olympics 2022.

Sa naturang aktibidad ay panauhing pandangal si POLICE INSPECTOR III Christopher Guyud Binoya, Provincial Officer ng Isabela, sa kanyang mensahe, “You should be courageous Police Officers! Courage is what makes you different from other public servant,” na ilan lamang sa mga katagang kanya ibinahagi na nakapagdulot ng pinag-igting na pagnanais ng mga kapulisan ng Isabela na mas magampanan ang tungkulin bilang alagad na batas.

Maliban sa mga ginawaran ng parangal na alagad ng batas ay namahagi rin ng mga alagang manok bilang pangkabuhayan, relief packs sa mga dating naligaw ng landas na New People’s Army o NPA na nagbalik loob sa pamahalaan na patuloy na tinutulungan ng kapulisan para sa kanilang pagbabagong buhay.

Kaalinsabay nito, di rin matatawaran ang saya ng halos limang daan na bata ang binigyan ng regalo at pinakain bilang handog sa kaarawan ni PCol. Go.

Kasabay nito, binigyan din ng tulong pinansyal ang isang pasyente na may karamdaman sa sakit sa puso ang isang anak ng pulis.

Nag-donasyon rin ng dugo o blood letting activities ang ilan mga kapulisan mula sa iba’t ibang istasyon.

Sa naturang aktibidad ay naging makabuluhan at makasaysayan dahil sa layunin ng pulisya ang mapagsilbihan ang mga mamamayan lalo sa mga hikaos o salat sa buhay maliban sa pagmimintina ng kaayusan at kapayapaan. Rey Velasco