Isabela ‘task force’ binuo; patayan sa kasalan tatalupan

Isabela ‘task force’ binuo; patayan sa kasalan tatalupan

March 11, 2022 @ 12:45 PM 4 months ago


ISABELA-Upang matukoy agad ang utak sa pamamaril sa isang barangay kagawad at ikinasugat ng walong iba pa kabilang ang isang kapitan sa isang kasalan ay bumuo na ng Investigation Task Force ang Isabela Police Provincial Office o IPPO sa Dalenat, San Pablo dito sa nabanggit na lalawigan.

Matatandaang nasawi si barangay kagawad Girliy Telan ng Simanu Sur, San Pablo, Isabela habang kabilang sa walong nasugatan si Punong Barangay Brixsio Gammaru sa madugong trahedya na kasalan.

Sa panayam ng REMATE kay PCol. Julio Go, Provincial Director ng IPPO, hanggang sa ngayon ay  patuloy ang kanilang pagsisiyasat sa naganap na pamamaril sa isang  kasalan sa San Pablo, Isabela kung saan ay bumuo na ng ‘Task Force’ para matukoy ang pagkakilan ng suspek.

Ayon kay Col. Go napuruhan ng tama ng bala ng baril si Barangay Kagawad Telan dahil kasalukuyang sumasayaw si Gammaru nang puntiryahin ng hindi pa nakilalang pinaghihinalaan ang barangay Kapitan.

Kung saan ay may  nadamay at nasugatan sa naturang pamamaril.

Batay sa mga nakasaksi, si punong Barangay Gammaru ang puntirya ng gunman dahil pangatlong beses nang pinagtangkaan ang kanyang buhay.

Dahil dito patuloy na naalam ng pulisya ang motibo sa pamamaril ng pinaghihinalaan at hindi pa masabi kung mayroong kinalaman ngayon halalan 2022. (REY VELASCO)