Isang bata, patay sa araw ng kaniyang birthday!

Isang bata, patay sa araw ng kaniyang birthday!

July 3, 2018 @ 12:04 PM 4 years ago


 

United States – Isang bata sa Idaho ang namatay sa kaniyang sariling birthday party matapos pasukin ng isang lalaki ang kaniyang selebrasyon at atakahin ang siyam na tao gamit ang kutsilyo, kahapon.

 

Kinilala ang suspek na si Timmy Kinner, sumaksak sa grupo ng mga bata at matatanda na siyang sumubok na iligtas ang mga bata sa party na naganap sa isang apartment complex, tahanan ng mga refugee.

 

Humarap si Kinner sa korte sa kasong first-degree murder at iba pang kaso na konektado sa kaniyang ginawang pag-atake.

 

Sinabihan ni Comstock si Kinner na siya ay, “an extreme danger to the community”.

Ang suspek ay isang Amerikano habang ang kaniyang mga biktima ay miyembro ng mga bakwit mula sa Syria, Iraq, at Ethiopia.

 

Pinabulaanan naman ni Boise Police Chief William Bones na ang pag-atake ay isang hate crime.

 

Si Kinner ay nakatira rin sa nasabing apartment complex ngunit siya ay pinaaalis noong Biyernes dahil sa kaniyang masamang pag-uugali.

 

Tatlo sa mga biktma ng pananaksak ng suspek ay mga matatanda habang ang natitirang anim ay puro mga bata: 3-anyos na batang babae na namatay, dalawang 4-anyos, isang 6-anyos, 8-anyos at isang 12-anyos. (Remate News Team)