Isang bata, patay sa pagsabog ng inflatable trampoline

Isang bata, patay sa pagsabog ng inflatable trampoline

July 3, 2018 @ 10:45 AM 4 years ago


 

England – Namatay ang isang bata sa Gorleston beach sa England matapos itong tumilapon sa ere sa pagsabog ng inflatable trampoline noong July 1.

 

Ayon sa witness, ang trampoline ay pumutok habang nakasakay dito ang bata.

 

“The child on it was catapulted about 20ft (6 meters) into the air,” sabi ni Kara Longshaw.

 

Itinuturong dahilan ni Kara ang sobrang init na hatid ng summer season at sinabi na ang bata ay apat na taong gulang pa lamang.

 

Agad naman sumaklolo sa bata ang publiko at madaling tumawag sa East of England Ambulance Service Trust (EEAST).

 

Dumating ang paramedics sa loob lamang ng apat na minuto kung saan nila naabutan ang bata na nagtamo ng malalang injuries at kasalukuyang may cardiac arrest.

 

Dinala ang bata sa pinakamalapit na ospital kung saan ito kalaunan ay namatay.

 

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis kasama ng Health and Safety Executive at Great Yarmouth Borough Council sa naturang insidente.

 

Kaugnay dito, agad naman na kumilos si town’s Member of Parliament (MP) Robert Halfon at nagpatawag para sa “ temporary ban on bouncy castles in public areas until we can ensure they are safe.”

 

Ang trahedya na ito ay naulit muli matapos ang dalawang taon kung saan isang bouncy castle naman ang nilipad ng hangin at nagpatalbog-talbog pababa ng burol na ikinamatay naman ng isang batang 7-anyos. (Remate News Team)