Isang grupo ng mga korap na opisyal ng gobyerno, sisibakin ni PDU30

Isang grupo ng mga korap na opisyal ng gobyerno, sisibakin ni PDU30

March 14, 2019 @ 7:25 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Asahan nang may sisibakin na isang grupo ng mga opisyal ng gobyerno si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa korapsyon.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa PDP Laban Campaign Rally sa Cauayan City, Province of Isabela ay sinabi nito na wala siyang magagawa kundi sibakin ang mga ito dahil hindi sumunod sa kanyang patakaran sa gobyerno.

“I will be firing another set of officials. I’m sorry. Mahirap. ‘Yan lang ano ko if you want to help me run the government at ‘yung programa ko,” ayon sa Pangulo.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang Pangulo kung sino ang mga opisyal na nakalinyang masibak sa puwesto.

Sinabi ng Pangulo na malinaw ang patakaran niya sa lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na ayaw nito ang katiwalian kaya kahit alingasngas lamang ng korapsiyon ay agad na sisibakin ang opisyal na sangkot dito./Kris Jose