Isang kutsarang olive oil, mainam sa puso

Isang kutsarang olive oil, mainam sa puso

June 23, 2018 @ 6:01 PM 4 years ago


 

Lumabas sa isang pag-aaral na nakapagpapahaba raw ng buhay ang pagkain o pagsubo ng isang kutsara ng olive oil.

Sa aklat na “Eat Better Live Longer” nina Dr. Sarah Brewer at ng Dietitian na si Julliet Kellow ay kanilang ipinaliwanag ang mga benepisyo ng olive oil sa ating katawan.

Kaya naman oks na oks daw ito kesa naman gumamit ng ordinaryong mantika na nakapagdadagdag lang ng masasamang fats sa katawan na posible pang pagmulan ng sakit sa puso.

Unang binanggit na benepisyo ng olive oil ay ang pagkakaroon nito ng antioxidant properties na siyang nakatutulong sa kondisyon ng puso.

Pinipigil umano ng olive oil ang paglaki ng cancer cells at binabawasan nito ang panganib na dulot ng heart attacks at stroke dulot ng cholesterol sa ating mga katawan.

Ipinaliwanag ng mga eksperto na binabawasan ng olive oil ang damaging effects ng cholesterol, high blood pressure at age-related diseases sa ating pangangatawan.

Pero, payo rin nina Brewer at Kellow na limitahan lang sa one tablespoon a day ang pagkonsumo nito dahil sa mataas na calories nito.

Samantala, mayaman din ang olive oil sa vitamin E na mabuti sa ating mga kutis, mata at immune system.

Kaya naman iwasan na muna ang ibang mantika at olive oil na lang ang gamitin sa pagluluto. (Remate News Team)